^

Bansa

Kelot binoga sa ulo

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagmistulang nabuwal na puno ng saging nang bumulagta noon din ang isang 42-anyos na binata matapos itong malapitang bogain sa ulo ng isang di natukoy na suspek na agad tumakas matapos namang karnapin ang motorsiklo ng isang rider na napadaan sa pinangyarihan ng pamamaril kamaka­lawa ng gabi sa Makati City.

Bunsod ng tama ng bala ng baril sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre, wala nang buhay nang idating sa ospital ang biktimang si Michael Hernandez, ng #1219 C. Francisco St., Brgy. Kasilawan ng naturang siyudad.

Sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Police Sr. Supt. Gerry Umayao, naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi sa panulukan ng C. Francisco at Cagayan Sts., Brgy. Kasilawan ng naturang siyudad.

Habang naglalakad umano ang biktima ay biglang sumulpot sa likuran  nito ang suspek na armado ng baril at agad na pinutukan ito sa ulo.

Para makatakas ay inagaw ng suspek ang motorsiklo ng rider na si Alejandro Neusana nang mapadaan ito sa naturang lugar.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with