^

Bansa

Arraignment ni Leila, iba pa ipinagpaliban

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Sa kasong illegal drug trade sa NBP

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban kahapon ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC), Branch 206 ang arraignment laban kina Senadora Leila de Lima at sa tatlo pang akusado kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Nakatakda dapat kahapon (Disyembre 8) ang arraignment nina De Lima, kasama ang dating director ng Bureau of Correction (BuCor) na si Franklin Bucayu; dating driver na si Ronnie Dayan at Joenel Sanchez sa sala ni Judge Patria Manalastas de Leon.

Subalit, dahil sa motion na isinumite ng Department of Justice (DoJ), nagpalabas ng kautusan si De Leon na i-reset ang arraignment sa mga akusado sa hindi pa nabatid na petsa dahil binibigyan ng 15 araw ang magkabilang panig para mag komento hinggil sa motion na isinampa ng DOJ.

Dakong alas-8:30 kahapon ng umaga nang dumating si De Lima sa court room ng Muntinlupa City RTC, Branch 206, sinundan nina Bucayu; Dayan at Sanchez.

Nakasaad sa motion (amended information) ng DoJ, na  kinasuhan nila ang mga akusado dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drug trade sa NBP sa Muntinlupa City.

 Ipinaliwanag naman ni DoJ Senior Assistant City Prosecutor Ramoncito Ocampo Jr., kaya sila umano nagsumite sa korte ng motion (amended information)  upang aniya mas maging matibay ang kaso laban sa mga akusado.

Subalit, sinabi ng abogado ni De Lima na si Boni Tacardon, ang naturang motion ay magreresulta aniya ng dalawang magkaibang kaso, na mariin nilang tinutulan.

“Sa tingin namin ay ginawa nila ito para maiwa­san yung fatal defect dun sa original information which is the absence of actual drugs allegedly traded. Naniniwala kami na mula sa umpisa mahina ang kaso. Nag-aadjust sila batay sa hinahawakan nilang ebidensiya”, ani Tacordon.

 Pinag-aaralan na rin ng DOJ  ang pagsusumite pa rin  ng amended information sa dalawa pang kasong droga ni de Lima na nasa Branch 204 at 205.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with