^

Bansa

Dry run sa ‘carpooling’ sa Lunes, gagawing basehan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

Bago lubusang ipatupad

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng dry run sa darating na Lunes (Disyembre 11) ng “high occupancy vehicle (HOV) lane” o mas kilala sa tawag na “share a ride o carpooling” sa kahabaan ng EDSA, bubusisiin at masusing pag-aaralan umano ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung nararapat itong ipatupad nang lubusan sa Disyembre 18.

Ayon sa MMDA, sa pagsisimula ng dry-run sa Lunes ay masusi aniya nilang pag-aaralan ang naturang traffic scheme upang malaman aniya nila kung epektibo ang HOV sa kahabaan ng EDSA.

Bago pa aniya ganap na maipatupad ang naturang batas trapiko sa darating na Disyembre 18 ng taong kasalukuyan, na isa sa nakikitang solusyon ng MMDA para maibsan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Nabatid, na ang mga motoristang lumabag sa HOV sa pamamagitan ng no-contact apprehension policy, ang multa ay nasa P500.

Ang HOV ay isang fast lane sa EDSA para sa mga behikulong ang sakay ay  higit sa dalawa,  para hindi  aniya matrapik at mas mabilis ang biyahe nito.

Habang ang motoristang magtatangkang dumaan sa HOV lane na isa lamang ang sakay ay huhulihin at papa­tawan ng multa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with