^

Bansa

‘Wag magpagamit sa ‘political agenda’

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Malacañang sa ICC

MANILA, Philippines — Hinikayat kahapon ng Duterte government ang United Nations-International Criminal Court (ICC) na huwag silang magpapagamit at maniniwala sa paninira ng mga ‘destabilizers’ na nagnanais lamang pabagsakin ang gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa pagdalo nito sa 16th Assembly of Parties to the Rome Statute of the ICC na ginanap sa UN headquarters sa New York, may mga grupo ng destabilizers sa Pilipinas na ang adhikain lamang ay pabagsakin ang gobyernong Duterte kaya winawasak ang imahe nito sa international community.

Wika pa ni Roque, da­pat ay ‘last resort’ na ang ICC intervention dahil ginagawa naman ng gobyerno ng Pilipinas ang trabaho nito lalo na ang paglaban ng terorismo at illegal drugs.

Aniya, dapat lamang pumasok ang ICC kung mapapatunayan nilang walang ginagawa ang gobyerno ng Pilipinas para lutasin ang naturang mga problema.

Sinabi pa ni Roque, kung may mga grupong magsusumbong o lalapit sa ICC ay marapat lamang na huwag itong basta paniwalaan dahil posibleng mga grupo ito o individual na ang layunin lamang ay pabagsakin ang kasaluku­yang gobyerno sa Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with