PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Task force Dengvaxia binuo ng DOH

MANILA, Philippines — Bumuo ang Department of Health ng taskforce upang siyasatin ang school-based immunization program at tutukan ang mga nabakunahan na ng Dengvaxia.

“This shall guide the Department of Health in responding to the safety concerns relevant to the use of this vaccine and how to proceed with the dengue program to ensure safeguards and prevent similar incidents in the future,” pahayag ni DOH secretary Francisco Duque III.

Binubuo ang task force ng mga opisyal ng DOH Central Office, at regional offices sa Central Luzon, CALABARZON at National Capital Region.

Kabilang din ang mga kawani ng Food and Drug Administration, Philippine Insurance Corporation at National Children’s Hospital.

Kukuha rin ang task force ng 30 tauhan na magsasagawa ng surveillance at data collection sa iba’t ibang lugar kung saan nagawa ang pagbabakuna.

“We will continue to be vigilant in monitoring our children for any adverse event following immunization and will strengthen the readiness of our public hospitals in attending to any severe dengue cases that may occur,” sabi ni Duque.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, nais ng DOH na ma-refund ang P3.5 bilyon na binayad ng gobyerno sa dengue vaccine manufacturer na Sanofi Pasteur matapos malaman ang dalang panganib nito sa mga nabakunahan.

Pinasasagot din ng gobyerno sa Sanofi ang gastusin ng mga nabakunahan na maaaring magkaroon ng severe dengue.

Nais magkaroon ni Sen. JV Ejercito, chair ng Senate Committee on Health and Demography, ng Senate investigation sa naturang programa na sinimulan noong Abril 2016.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: