PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Umento ng sundalo aprub

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng House of Representatives ang Joint Resolution No. 18 na ipinanukala ng Ma­lakanyang at nagdadag­dag sa suweldo ng mga military and other uniformed personnel (MUP).

Sinabi ni House Appropriations Committee Chairman at Davao Rep. Karlo Nograles kahapon na ang mga may pinakamababang sahod na military uniformed personnel tulad ng private sa Armed Forces of the Philippines o isang Police Officer 1 ay tatanggap ng mahigit 100 porsiyentong umento. 

Ang kanilang basic monthly salary ay tataas sa P29,668 mula  sa P14,834 simula sa Enero 1 ng susunod na taon.

Ang mga  nasa higher rank ay tatanggap anya ng average adjustment na 58.70 percent.

Ang mga MUP ay ang mga  tauhan ng AFP, Philippine National Police, Bureau of Jail management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Public Safety College, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

Ipinaliwanag ni Nogra­les na ang naturang umen­to ay isang pagkilala sa kritikal na papel ng military at pulisya sa pagmamantini ng pambansang seguridad at kapayapaan at kaayusan. Ginagampanan nila anya ang kanilang tungkulin para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: