PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mga batang nagkasakit sa bakuna babayaran

May 700,000 bata ang nabakunahan ng Dengva­xia. Inaalam pa ng pamahalaan ang bilang ng mga bata na nagkasakit makaraang mabakunahan nito. AFP

Indemnity fund balak ng DOH

MANILA, Philippines — Pinaplano ng Department of Health na bumuo ng indemnity fund para sa mga bata na magkakasakit makaraang mabakunahan laban sa dengue.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Health Secretary  Francisco Duque III na pinag-aaralan niya ang posibilidad na magtayo ng indemnity fund mula sa refund na hinihingi ng pamahalaan sa French pharmaceutical gian na Sanofi Pasteur.

“Una muna naming isasagawa na ibalik sa Sanofi ang natitirang P1.4 bilyong stock ng Dengvaxia  at kumuha ng refund. Mula sa pondong ito, magtatatag kami ng indemnity fund para sagutin ang gastos sa pagpapaospital at panggagamot sa mga bata na naturukan ng dengue vaccine,” paliwanag ni Duque.

May 700,000 bata ang nabakunahan ng Dengva­xia. Inaalam pa ng pamahalaan ang bilang ng mga bata na nagkasakit makaraang mabakunahan nito.

Sa ngayon, ayon pa kay Duque, bineperipika ng DOH ang mga report na may mga bata sa iba’t-ibang lugar sa bansa na naospital makaraang mabakunahan ng Dengvaxia.

Pinuna ni Duque na tila hindi transparent ang Sanofi at hindi nagbigay ng mahalagang impormasyon  bago nagdesisyon ang DOH na magsagawa ng anti-dengue immunization campaign.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, tiniyak ni dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang kaligtasan ng kontrobersiyal na bakunang Dengvaxia. Ito ay ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“Meron akong video ng isang panayam kay Secretary Ubial na nagsasabing ligtas ang Dengvaxia at mabababa ang masamang epekto nito.

Sinabi ni Roque na, ayon kay Ubial, ang mga batang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog ay nabakunahan ng dalawang dosage ng Dengvaxia at ligtas ang bakuna.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: