PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Isang taon pang martial law sa Mindanao - PNP

MANILA, Philippines — Nais palawigin ng Philippine National Police (PNP) ang martial law sa Mindanao, ayon kay Department of the Interior and Local Government Undersecretary Catalino Cuy.

Sinabi ni Cuy na inirekomenda nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isa pang taong martial law dahil sa patuloy na banta sa seguridad ng mga terorista.

Nitong nakaraang buwan ay sinabi ni Duterte na nasa PNP at Armed Forces of the Philippines ang desisyon kung palalawigin pa ang martial law.

Kasalukuyang nasa martial law ang Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute terror group sa Marawi City nitong Mayo.

Matapos ang tatlong buwang bisa ng batas militar ay napalawig ito ng tatlong buwan pa na matatapos hanggang sa katapusan ng taon.

Pinagtibay naman ng Korte Suprema nitong kamakalawa ang nauna nilang hatol na naaayon sa Saligang Batas ang pagdedeklara ni Duterte ng martial law.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: