PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Noy dapat dumalo sa Dengvaxia Senate probe – Duque

MANILA, Philippines — Kung si Health Secretary Francisco Duque III ang tatanungin, dapat magpaliwanag si dating Pangulo Benigno Aquino III sa Senado kaugnay ng isyu ng dengue vaccine na Dengvaxia.

"I think the former president should himself come forward... and say, 'This is what happened and this is what I agreed to based on some recommendation that I followed because somebody had advised me," komento ni Duque sa ANC "Headstart".

Isinulong ni Senate Committee on Health and Demography chair Sen. JV Ejercito na magkaroon ng imbestigasyon sa vaccination program na ipinatupad noong Abril 2016.

BASAHIN:  Dengvaxia hindi inirekomenda ng WHO

Sinabi ni Duque na para sa ikabubuti rin ni Aquino ang pagdalo niya sa pagdinig ng Senado na maaaring gawin sa Enero 2018.

Inamin ng dengue vaccine manufacturer na Sanofi na maaaring magkaroon ng “severe” dengue ang mga naturukan ng Dengavaxia kung hindi pa sila natatamaan ng sakit na dala ng mga lamok.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pinakakalman ng DOH at ng Palasyo ang publiko sa epekto ng bakuna lalo na’t sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi naman ito nakamamatay.

Pinabulaanan naman ng World Health Organization ang ulat na inirekomenda nila ang pagbibigay ng Dengvaxia.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: