PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong pinalawig ang termino ni Guerrero sa AFP

In this Nov. 24, 2017 photo, President Rodrigo Duterte poses for a photo with Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Rey Guerrero during a military capability demonstration during the 67th Founding Anniversary of FSRR at at Camp Tecson in San Miguel, Bulacan. PPD/Simeon Celi Jr.

MANILA, Philippines – Kasunod ng pagkakakumpirma sa kaniya ng Commission on Appointments (CA), pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Armed Forces of the Philippines chief of staff  General Rey Leonardo Guerrero.

Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong Huwebes na nilagdaan ni Duterte ang extension ni Guerrero na nabigyan pa ng anim na buwan para pamunuan ang AFP.

Aabot nasa mandatory retirement si Guerrero sa Disyembre 17 kaya naman pinalawig pa ng pangulo ang kaniyang termino hanggang Abril 24, 2018.

BASAHIN: Guerrero lusot sa CA bilang AFP chief

Kahapon lamang ay nalusutan ni Guerrero ang CA at pagkatapos nito ay dumiretso na siya sa mass oath taking sa Malacanang.

Pinalitan ng Philippine Military Academy Class of 1984 graduate si Gen. Eduardo Año na nagretiro nitong Oktubre 26.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: