PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

AFP chief lusot na sa CA

MANILA, Philippines — Nakalusot na kahapon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero.

Inaprubahan ng CA ang ad interim appointment ni Guerrero 11 araw bago ang nakatakdang pagreretiro nito sa Dis­yembre 17, 2017.

Matatandaan na itina­laga ng Pangulo si Guerrero bilang AFP chief noong nakaraang Oktubre kung saan pinalitan niya si dating AFP chief Eduardo Año matapos umabot sa mandatory retirement age na 56.

Bukod kay Guerrero, inaprubahan din ng CA ang ad interim appointments ng 40 iba pang opisyal ng AFP.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: