PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lobby vs cosmetic tax lumalakas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na malakas ang lobby laban sa panukalang patawan ng karadagang buwis ang cosmetic surgery o tinatawag ring “cosmetic tax”.

Si Drilon ang nagsusulong na dapat buwisan ang pagpapaganda sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

“Certainly, yes, may nagla-lobby. There’s a very strong lobby,” kumpirmasyon ni Drilon.

Partikular aniyang naglo-lobby para hindi patawan ng tax ang cosmetic surgery ang mga maapektuhang sektor.

Sa bersiyon ng Senado, nais ni Drilon na patawan ng 10 porsiyentong excise tax ang pagpapa-opera upang magpaganda.

Ang tanging ie-exempt sa buwis ay ang mga reconstruction ng facial at body defects dahil sa birth disorders, trauma, burns, disease at iba pang procedure para itama ang hindi maayos na functions ng katawan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naniniwala si Drilon na isang “luxury” o luho ang pagpapaganda kaya mas dapat itong patawan ng buwis kaysa sa mahihirap na sektor ng lipunan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: