PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

LTO chief pinagre-resign sa car plates backlog

Sa pagdinig ng House Transportation Committee, bagamat wala dito si Galvante ay sinabi ni Alvarez sa kanya sa pamamagitan ng kanyang representatives na magbitiw na at magkaroon ng kaunting kahihiyan dahil hindi niya nagagampanan ang kanyang trabaho. DOTC, File

MANILA, Philippines — Pinagbibitiw ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Land Transportation chief, Assistant Secretary Edgar Galvante, dahil sa pag­kabigo nitong lutasin ang problema sa mga plaka ng sasakyan.

Sa pagdinig ng House Transportation Committee, bagamat wala dito si Galvante ay sinabi ni Alvarez sa kanya sa pamamagitan ng kanyang representatives na magbitiw na at magkaroon ng kaunting kahihiyan dahil hindi niya nagagampanan ang kanyang trabaho.

Nilinaw naman ni Al­varez na wala siyang per­sonal na galit kay Galvante subalit nakaupo umano siya sa puwesto mahigit nang isang taon subalit hanggang ngayon ay wala pa rin plaka ang mga sasakyan.

Dahil dito kaya mas maganda umanong mag-resign na lamang si Galvante sa kanyang pwesto.

Ayon pa sa Speaker, isa umano sa ipinangako ni Pangulong Duterte noong kampanya ay ang availability ng license plates para sa mga rehistradong sasakyan.

Isang simpleng problema lamang umano kung bakit hindi maaksyunan ni Galvante gayung marami namang suppliers nito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dahil dito kaya hinikayat ni Alvarez ang Pa­ngulo na magtalaga na ng kapalit ni Galvante.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: