PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Leni suportado si Digong sa pagdeklarang terorista ang CPP-NPA

MANILA, Philippines — Tama ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army bilang mga terorista, ayon kay Bise Presidente Leni Robredo.

“Iyong sa atin po, parating ano ba iyong definition ng terorista? Iyong terorista iyong naghahasik ng lagim na wala namang dahilan. Iyong mga terorista iyong nampapatay pati ng mga sibilyan, nangingikil,” wika ni Robredo sa isang panayam sa Radyo.

Nilagdaan ni Duterte kahapon ang isang proklamasyon upang ikategorya ang CPP-NPA bilang mga terorista. Kasunod ito ng pagputol niya ng usaping pangkapayapaan nitong nakaraang buwan.

“Iyong sa akin po, kung iyong ginagawa ng New People’s Army ay mga terroristic activities, nararapat lamang na ideklara na terorista,” dagdag ng bise president.

Inisantabi ni Robredo ang politika sa isyu ng pagsugpo sa armadong grupo na aniya para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“Kapag sinabi namang terroristic activities, wala ditong pulitika. Kahit anong kulay mo sa pulitika, kailangan labanan talaga ito, kasi ito iyong makakasama talaga—hindi lang sa security natin, pero iyong kabuuang future ng ating bansa,” patuloy niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nauna nang ikategorya ng US Department of State ang CPP-NPA bilang foreign terrorist organizations mula pa noong 2002.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: