PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sandram Cam sa PCSO

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang whistleblower na si Sandra Cam sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Maninilbihan bilang board member ng PCSO si Cam na kabilang sa mass oath taking na ginawa ngayong Miyerkules sa Palasyo.

Sinabi ni Cam na kaya niyang patunayan sa mga nambabatikos sa kaniya ang kaniyang halaga sa gobyerno.

Aniya pinagkatiwalaan siya ng pangulo sa pagkakakuha ng pwesto.

Nasangkot si Cam sa isang eskandalo sa NAIA nang ipagyabang niya umano sa isang staff ng paliparan na nakatakda siyang makakuha ng pwesto sa gobyerno.

Nag-ugat ang kaguluhan nang tumangging magbayad si Cam ng P1,700 para sa paggamit ng Mabuhay Lounge.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kilalang masugid na taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cam na isang talunang senatorial candidate.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: