PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jinggoy humirit ng Hong Kong vacation

Niyakap ni dating Sen. Jinggoy Estrada ang inang si Dra. Loi Ejercito Estrada nang magkita sa San Juan matapos payagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa sa kasong graft at plunder. Masaya namang nakamasid ang kanyang amang si Manila Mayor Joseph Estrada at mga kapatid. STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Halos tatlong buwan mula nang mabigyan ng pansamantalang kalayaan, nagpaalam sa korte si dating Sen. Jinggoy Estrada na makalabas ng bansa ngayong Christmas season.

Naghain ng mosyon si Estrada sa Fifth Division ng Sandiganbayan upang ipaalam ang biyahe nila ng kaniyang pamilya patungong Hong Kong mula Disyembre 26 hanggang 31.

“After accused-movant was allowed bail, the family have been longing for bonding outside of the country. The Christmas holidays would be the most opportune time to have this,” nakasaad sa hirit ng dating senador.

Sinabi ni Estrada na ibibigay niya ang buong detalye ng kaniyang biyahe kapag pinayagan na siya ng korte.

Aniya matagal na niyang pangako sa kaniyang pamilya ang makapag holiday trip.

May nakalabas na hold departure order ang korte laban kay Estrada dahil sa kaniyang kaso kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund o pork barrel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: