PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Guerrero lusot sa CA bilang AFP chief

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Gen. Rey Leonardo Guerrero bilang bagong Armed Forces of the Philippines chief of staff ngayong Miyerkules.

Bukod kay Guerrrero, pinalusot din ng CA ang promosyon ng 40 opisyal ng militar.

Nakatakdang magretiro si Guerero sa Disyembre 17 ngunit maaari namang palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang termino.

Pinalitan ng Philippine Military Academy Class of 1984 graduate si Gen. Eduardo Año na nagretiro nitong Oktubre 26.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: