PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dengvaxia hindi inirekomenda ng WHO

A nurse arranges boxes of Sanofi’s dengue vaccine Dengvaxia in a refrigeration machine at a local health center in Manila yesterday. AFP

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng World Health Organization (WHO) na inirekomenda nila ang paggamit ng pinakaunang dengue vaccine sa mundo na Dengvaxia para sa immunization program ng bansa.

“The WHO position paper did not include a recommendation to countries to introduce the dengue vaccine into their national immunization program,” pahayag ng WHO.

“WHO outlined a series of considerations national governments should take into account in deciding whether to introduce the vaccine, based on a review of available data at the time, along with possible risks,” dagdag nila.

Sinabi ng WHO na dapat lamang gamitin ang bakuna sa lugar na nasa 70 porsiyento na ang tinamaan ng virus. Anila, maaari lamang itong iturok sa edad 9 pataas.

BASAHIN:  Pagbebenta ng Dengvaxia ipinatigil, pinababawi sa merkado

Sinabi pa ng WHO na suportado nila ang Department of Health sa pagpapatigil ng programa na nalamang may dalang panganib sa mga naturukang hindi pa nagkakaroon ng dengue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“As always, we stand ready to work with the DOH to provide information to affected families, and to support the DOH’s deliberations on the future of the dengue vaccination programme,” patuloy nila.

Ipinatigil na ng Food and Drug Administration ang pagbebenta ng Dengvaxia at inutos na rin nila ang pagbawi ng mga ito sa merkado.

Higit 700,000 na ang naturukan ng Dengvaxia kung saan nasa 10 porsiyento nito ang maaaring magkaroon ng “severe dengue.”

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: