Sotto kinasuhan na ang nasa likod ng ‘Silent No More PH’ blog
MANILA, Philippines – Pormal nang nagsampa ng reklamo si Sen. Tito Sotto laban sa nasa likod umano ng “Silent No More PH” blog dahil sa pagtawag sa kanilang mga senador na “Malacañang lapdogs.”
Inihain ni Sotto ang kasong cyber-libel sa Pasay City Prosecutors Office ngayong Martes ng umaga laban kay Edward Angelo "Cocoy" Dayao.
TINGNAN: Sen. Sotto, sinampahan na ng kasong cyber-libel si Cocoy Dayao na diumano'y nasa likod ng ‘Silent No More PH’ blog. pic.twitter.com/GF8XFYe8UU
— Pilipino STAR Ngayon (@PilStarNgayon) November 28, 2017
Binansagang “Malacañang lapdogs” si Sotto at anim pang senador dahil sa hindi paglagda ng resolusyon na nagkokondena sa sunud-sunod nag pagpatay sa mga teenager sa ilalim ng kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nito lamang ay inireklamo rin ni Sen. Antonio Trillanes si RJ Nieto na may-ari ng “Thinking Pinoy” blog dahil pagtawag umano ni US President Donald Trump kay Trillanes ng “narco.”
- Latest