^

Bansa

Walang dahilan para tumaas ang presyo ng bigas – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang dahilan para tumaas ang presyo ng bigas sa merkado.

Ito ang reaksiyon ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa ulat na may nagaganap na pagtaas sa halaga ng bigas sa bansa.

“Sa katunayan ay sapat ang suplay ng bigas sa ating bansa pero sa presyuhan ay NFA ang may alam niyan pero dapat walang magaganap na pagtaas sa halaga niyan dahil wala namang kakapusan, self sufficient tayo,” pahayag ni Piñol.

Ani Piñol, dapat ding malinawan ang ulat na  kontrolado ng rice cartel ang usapin sa industriya ng bigas sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ng National Food Authority na wala namang nagaganap na pagtaas sa halaga ng NFA rice at ito ay nana­natiling P27.00 sa regular milled rice at P35.00 sa well milled rice.

Sapat anya ang sup­lay nito at tinitingnan nila ngayon ang isyu sa pagtaas ng halaga ng commercial rice.

Wala naman umanong dahilan para tumaas ang presyo ng commercial rice dahil sa wala namang kalamidad sa mga pataniman ng palay at anihan pa nga ngayon kayat mada­ming suplay ng bigas sa kasalukuyan.

Bukod anya sa local produce ay may mga importadong bigas sa mga bodega ng NFA para ma­gamit sa panahon ng emergency.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with