^

Bansa

Bagong 10 piso inilabas ng Bangko Sentral

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas na kahapon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong 10-peso coins na limited edition kung saan matutunghayan ang larawan ni Heneral Antonio Luna.

Bilang paggunita ito ng bansa sa ika-150th birth anniversary ng bayani.

Si Luna ang nanguna sa mga tropa ng Pilipinas sa naganap na Philippine-American War.

Sa nasabing barya ay nakalagay ang portrait ng heneral at nakasulat ang Republika ng Pilipinas sa gilid na may denomination, mintmark at signature ng heneral habang sa kabilang bahagi naman makikita ang heneral na sakay ng kabayo at sa gilid ay nakasulat ang “da­ngal,” “tapang” at “dignidad”, “bayani ng digmaan sa Estados Unidos, 1899” ang ranggo bilang heneral, “10 taon” at larawan ng La Independencia at inkwell, “1866-2016”,” Heneral Antonio Luna”, ang BSP seal at maliliit na nakasulat ang “sampung piso”.

Nasa 10 milyon piraso ng special Luna coins lamang ang inilabas ng BSP na maari nang makapagpalit simula kahapon (Nobyembre 24) sa cash department ng BSP Main Office sa Maynila, Security Plant Complex sa Quezon City at sa BSP regional offices sa La Union, Davao at Cebu.

Magiging available din ang commemorative coins sa lahat ng BSP branches sa bansa sa darating buwan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with