^

Bansa

Marawi residents tutol gawing historical claim ang battle zone

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Marawi residents tutol gawing historical claim ang battle zone

Sinabi ni Marawi City Mayor Majul Gandamra kahapon, hindi pabor ang mga residente na ipreserba ang mga nawasak nilang tahanan sa main battle area para maging historical claim. AFP/Ferdinandh Cabrera, File

MANILA, Philippines — Tutol ang mamamayan ng Marawi City na maging historical claim ang main battle area na winasak ng giyera na inilunsad ng Maute-ISIS group noong Mayo 23.

Sinabi ni Marawi City Mayor Majul Gandamra kahapon, hindi pabor ang mga residente na ipreserba ang mga nawasak nilang tahanan sa main battle area para maging historical claim.

Ayon kay Mayor Gandamra, ang nais ng mga residente ay ang rebuilding ng kanilang mga tahanan kaysa gawing memorial ito para maging alala ng giyerang nilikha ng Maute-ISIS group.

“Bodies still being retrieved as government teams conduct post-conflict needs assessment,” paliwanag ng alkalde.

Wika pa ni Gandamra, may 13,000 families na katumbas ng 70,000 indibidwal ay nakabalik na sa Marawi City.

Nasa P90 bilyon din ang kailangang pondo para sa rebuilding ng Marawi City.

Iginiit pa ni Mayor Gandamra, ang mga structures na mayroong historical significance ay dapat muling maitayo bukod sa pagkakaloob ng livelihood sa mga naapektuhang residente ng Marawi siege.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with