PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Duterte pinababalik ang mga pinalayang komunista

MANILA, Philippines – Matapos wakasan ang usaping pangkapayapaan, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga binigyan ng pansamantalang kalayaan na sumuko na.

“I am ordering those I have released temporarily to surrender or face again punitive action,” pahayag ni Duterte ngayong Biyerne. “You have to go back where you belong.”

Kagabi lamang ay inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque na nilagdaan ni Duterteang Proclamation 360 na pumuputol sa negosasyon ng dalawang partido.

Nasa 30 hanggang 40 rebel leaders ang pinalaya ni Duterte nitong nakaraang taon. Aniya hindi naman nakatulong ang mga ito sa usaping pangkapayapaan.

“You must be joking because I will go after you and I do not really care whatever happens to you after,” patuloy ng pangulo.

Winakasan ni Duterte ang negosasyon dahil sa patuloy na panggugulo ng mga rebelled.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Why should I continue talking to them? And they’re always drumbeating about war. Go ahead. We have been fighting for 50 years—this insurgency of the communist,” dagdag niya.

Sinabi ni Jose Maria Sison, chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines at founder ng Communist Party of the Philippines, na sinabotahe ni Duterte ang peace talks.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: