^

Bansa

Leni, tiwala sa pangako ni Digong

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
Leni, tiwala sa pangako ni Digong

Sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na isang “mabuting hakbang” ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte “upang mapawi ang anumang takot at pag-aalala ng taumbayan na tayo ay mapapasailalim muli sa isang diktadurya.” Artemio Dumlao/File

Na walang Revolutionary Gov’t

MANILA, Philippines — Umaasa si Vice Pres. Leni Robredo na matitigil na ang pagpapalutang ng posibilidad na magtatag ng isang revolutionary government sa Pilipinas at Martial Law matapos sabihin ni President Duterte na hindi niya gagawin ito.

Sinabi ni Robredo na isang “mabuting hakbang” ang pahayag ng Pangulo “upang mapawi ang anumang takot at pag-aalala ng taumbayan na tayo ay mapapasailalim muli sa isang diktadurya.”

“Umaasa tayo na matatapos din dito ang mga pahayag at panukala na kumakalat sa tradisyunal at social media na isantabi ang Saligang Batas, at bigyang-daan ang isang rebolusyonaryong pamahalaan,” aniya.

“Malinaw ang mensahe ng Pangulo para [sa] sambayanang Pilipino—patuloy naming paninindigan at ipagtatanggol ang aming sinumpaang tungkulin, ang Saligang Batas, at ang ating demokrasya,” dagdag pa niya.

Kaugnay dito, idiniin ni Robredo na tungkulin nilang mga halal na opisyal na ipagtanggol at sundin ang Saligang Batas. 

“Ang karapatang mamuno at mamahala ay nakaugat sa aming katapatan sa ating Saligang Batas, at sa mga demokratikong prinsipyo na nakapaloob dito,” wika niya. “Ang pagsasantabi sa Saligang Batas ay pagtalikod at pagtataksil sa aming sinumpaang tungkulin. Pinawawalang-bisa rin nito ang aming karapatang mamuno at mamahala.”

Sa dalawang okasyon nitong Miyerkules, pina­bulaanan ni Duterte ang sinasabing plano niyang magtayo ng isang revolutionary government o magdedeklara ng martial law sa buong bansa.

“Revolutionary government, coup d’etat, malayo iyan. Huwag niyo intindihin iyan. Hindi ako mag-martial law. Hindi ako mag-revolutionary government,” wika niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with