Legal fronts ng NPA ipapaaresto
MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Duterte sa mga legal fronts ng New People’s Army (NPA) na kinabibilangan ng mga militanteng grupo, mga kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF) na sila’y aarestuhin.
Ito’y matapos kanselahin ng gobyerno ang peace talks sa communist movement.
Sinabi ng Pangulo na, alam nitong nagsasabwatan ang NPA at legal fronts nito para pabagsakin ang gobyerno at maghasik ng karahasan.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang pakialam kung magsagawa ng demonstrasyon o magrebolusyon ang mga legal fronts ng NPA basta lahat ng konektado sa mga rebelde ay aarestuhin.
Muli ding inihayag ni Pangulong Duterte na kanyang idedeklara ang NPA bilang teroristang grupo at tatratuhin bilang mga kriminal.
- Latest