^

Bansa

PDEA bagsak kay Digong

Pilipino Star Ngayon
PDEA bagsak kay Digong

Sa isang pahayag, sinabi ng PDEA na aminado naman sila na sila ay “undermanned,” “under budget” at “under equipped” kaya’t kaila­ngan nila ang tulong ng iba pang law enforcement agency, partikular ng PNP, para labanan at tuluyang sugpuin ang pamama­yagpag ng illegal drugs sa bansa. John Unson/File

Drug war ibabalik na sa PNP

MANILA, Philippines — Hindi umano kuntento si Pangulong Duterte sa naging performance ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglutas sa problema sa droga kaya nais nitong ibalik na sa Philippine National Police (PNP) ang pangangasiwa sa anti-drug operations bago pa man ito lumala.

“Well, I think a decision will be soon be made. But like you said, he did make the statement that “I may have to return it to the police to avoid the problem from worsening.” So, I guess that is the latest pronouncement of the President there’s now a very strong likelihood that it could be returned  to the PNP. As he said, what he said was to prevent the problem from worsening,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Roque, binigyan ng Pangulo ang PDEA ng sapat na panahon para masugpo ang illegal drug trade sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng PDEA na aminado naman sila na sila ay “undermanned,” “under budget” at “under equipped” kaya’t kaila­ngan nila ang tulong ng iba pang law enforcement agency, partikular ng PNP, para labanan at tuluyang sugpuin ang pamama­yagpag ng illegal drugs sa bansa.

“PDEA welcomes the decision of the President. It has been the desire of PDEA that PNP will return in the fight against illegal drugs,” bahagi ng pahayag nito.

Matatandaang napilitan ang Pangulo na alisin ang PNP bilang lead agency sa kanyang programa kontra iligal na droga at ipalit ang PDEA, nang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang ipinatutupad nilang Oplan Tokhang kung saan ay inakusahan ang mga ito na sangkot sa extra-judicial killings dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga drug personalities na napapatay sa buy-bust operations ng mga pulis, gayundin ang mga drug suspects na pinapatay ng mga riding in tandem.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with