PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Abella inilipat sa DFA

MANILA, Philippines — Matapos tanggalin sa Palasyo, inilipat si dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa Department of Foreign Affairs bilang undersecretary.

Inilabas ang appointment paper ni Abella ngayong Huwebes ngunit noong Oktubre 27 pa ang liham kasabay ng usap-usapang papalitan siya ng ngayo’y tagapagsalitang si Harry Roque.

Kinabukasan nito ay pinangalanan na si Roque na dating kinatawan ng Kabayan party-list sa Kamara.

Makakasama ni Abella ang dating Senador at ngayo’y Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: