PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Faeldon abswelto sa P6.4-B shabu shipment sa Customs

MANILA, Philippines – Ligtas na si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa isyu ng P6.4 bilyon shabu shipment mula China na dumaan sa kanilang tanggapan.

Kawalan ng karampatang ebidensya laban kay Faeldon at iba pang opisyal ng Customs ang dahilan sa pagkakaabswelto nila, ayon sa resolusyon na inilabas ng Department of Justice ngayong Miyerkules.

Sinabi ng DOJ na hindi napatunayan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagkakasangkot ni Faeldon at ng iba pang opisyal ng kawanihan.

Sinampahan naman ng kaso si customs fixer Mark Taguba at negosyanteng si Kenneth Dong dahil sa pagpasok ng nasa 500 kilo ng shabu na dumaan pa sa green lane ng Customs noong Mayo.

Sa imbestigasyon ng Senado ay lumutang ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw niyang si Mans Carpio.

Dumalo ng pagdinig sina Paolo at Carpio kung saan itinanggi nila ang kaalaman sa shabu shipment na hawak umano ng Davao group.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ilang beses namang hindi sinipot ni Faeldon ang pagdinig dahil sa umano’y panggigipit sa kaniya ng mga senador, partikular si Sen. Panfilo Lacson.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: