PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mar sa kasong plunder: Nakakatawa

In this April 28, 2016, file photo, Philippine Presidential Mar Roxas, former Interior and local government secretary, reaches out to greet supporters during a campaign sortie in Quezon City, Philippines. AP/Aaron Favila

MANILA, Philippines — Tinawanan lamang ni dating Interior Secretary Mar Roxas ang kasong plunder na isinampa sa kanyia at iba pang dating gabinete ng Aquino administration kaugnay ng umano’y maanomalyang transaksyon ng Metro Rail Transit Line 3 system.

Sinabi ni Roxas na sa pagsasampa ng kaso laban sa palabas lamang ng kasalukuyang administrasyon lalo na’t hindi nila matupad ang kanilang ipinangako sa publiko.

"In a word? Pathetic. Dahil walang mapakitang accomplishment sa mga ipinangako, nagimbento ng kasong walang laman, walang basehan sa katotohanan o sa batas para ipakitang may ginagawa sila," pahayag ni Roxas na tumakbo sa pagkapangulo noong 2016 polls.

BASAHIN: Ex-Cabinet officials ni Noynoy kinasuhan ng plunder sa MRT deal

Aniya wala pa siyang natatanggap na kopya ng reklamo at nalaman lamang niya sa media reports na isinama siya sa kaso.

"This is laughable on its face," dagdag ni Roxas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, sa tingin ni Sen. Francis Pangilinan, pangulo ng Liberal Party na kinabibilangan din ni Roxas, na mayroong cover-up sa pagsasampa ng kaso.

Sinabi ng senador na tinatabunan ng gobyerno ang kakulangan nila sa mga pasahero ng MRT na sunud-sunod na aberya ang inabot.

"When the issue is shifted from the quiet, everyday suffering of commuters who only want to get to work or school or home, it is not simply disrespectful, it is deception," sabi ni Pangilinan.

Sa kabila nito ay kumpiyansa siya na magiging patas ang paghatol ng Office of the Ombudsman.

"We are confident that the former secretaries accused of wrongdoing will be able to defend and exonerate themselves," dagdag niya.

Dawit din sa kaso ang mga dating kalihim na sina Joseph Emilio Abaya (transportation), Florencio Abad (budget), Cesar Purisima (finance), Jericho Petilla (energy), Mario Montejo (science), Voltaire Gazmin (defense), Rogelio Singson (public works) and Arsenio Balisacan (economic development).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: