^

Bansa

BOI pinuna sa makupad na car dev’t

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuna ng ilang mga mambabatas ang Board of Investments (BOI) dahil sa hindi pag-unlad ng car development program (CDP) ng bansa bunsod ng hindi malinaw na mga patakaran para gabayan ang mga investors sa mga usaping nakakaapekto sa industriya.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, binatikos ni Deputy Speaker Sharon Garin ang pagiging bias umano ng BOI sa mga non-Japanese local assemblers, pati na rin sa mga bagong players sa industriya ng car development.

Sa kabilang dako, nagbabala naman sina Batangas Rep. Lyndia Bolilia, Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe at Bukidnon Rep. Manuel Zubiri na hangga’t hindi raw tatanggalin ang mga gray areas sa pagpapatupad ng rules and regulations ng Motor Vehicle Development Program (MVDP), patuloy  na mahuhuli ang Pilipinas sa mga kalapit bansa sa ASEAN region kapag ang manufacturing ng mga sasakyan ang pag-uusapan.

Kaugnay nito, naglunsad ng imbestigasyon ang komite na pinangungunahan ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua hinggil sa napaulat na desisyon ng BOI na kanselahin ang otoridad na iginawad sa Hyundai Asia Resources Inc. na makilahok sa MVDP.

Ito ay dahil umano sa kabiguan ng Hyundai Asia Resources Inc. na makapag-comply sa mga requirements na nakasaad sa ilalim ng Executive Order 156.

Ayon sa BOI executives sa pangunguna ni Usec. Ceferino Rodolfo, kinansela ng board ng ahensya ang lisensya ng Hyundai Asia Resources Inc. dahil kulang umano ang painting at welding activities sa assembly plant nito. Dahil dito, ipinag-utos ni Cua ang pagsasagawa ng ocular inspection sa assembly plant ng naturang kompanya para makumpirma kung may katotohanan ang pahayag ng BOI laban dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with