^

Bansa

Tutol sa SSB tax dumarami

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 300,000 at nadaragdagan pa ang bilang ng mga lumalagda para tutulan ang panukalang dagdag-buwis sa mga inuming may asukal o sugar-sweetened beverages (SSBs).

Suportado na rin ngayon ng Bantay Konsumer, Kalsada, Kuryente (BK3) ang panawagan ng Philippine Association of Stores at Carin­deria Owners (PASCO na salungatin ang nasabing excise tax sa mga SSB na nakapaloob sa House Bill (HB) 5636 na bahagi ng programang reporma sa buwis ng gobyerno, ang tinatawag na TRAIN.

Ayon sa PASCO, 40% ng pang-araw-araw na kita ng mga may-ari ng tindahan ay nagmumula sa mga benta ng SSB gaya ng powdered juice, instant coffee at softdrinks na maaaring mag-doble o mag-triple pa ang mga pres­yo ng nasabing produkto dahil sa dagdag buwis.

Iginiit naman ni Louie Montemar, convenor ng BK3, para sa mga mahihirap na mamimili ang excise tax ay “hindi patas” at “mapang-api”. Dahil dito, nagkaisa ngayon ang mga konsyumer, manininda, at pati na ang mga manggagawa ng mga pabrikang may kinalaman sa pagkain at inumin sa pagtutol sa nasabing dagdag-buwis.

Nabatid na inaprubahan ng Kamara ang SSB tax na nagpapataw ng P10-P20 na buwis kada litro ng SSB na depende sa pinagkukunan ng nilalamang asukal.

Nakapaloob sa HB 5636,  may dagdag buwis na P10 kada litro sa mga inumin na may lokal na asukal at P20 sa mga inumin na may asukal o pampapatamis na inaangkat pa.

Nauunawaan ng mga nasabing grupo na kailangan ng pamahalaan ng pondo upang suportahan ang mga programang isinusulong subalit ang ipinapanukalang buwis ay lalo lamang magpapahirap sa buhay ng mga mamimiling may mababang kita.

Hiling ng mga ito, humanap ng alternatibong paraan na maaa­ring isaalang-alang ang kapakanan ng mamimili at maliliit na negosyo.

Una, ang paghikayat sa mga Public-Private-Partnerships para sa mga proyektong pang-imprastruktura kung saan makatitipid ang pamahalaan at magagamit pa ang ibang pondo upang tulungan ang mahihirap sa halip na magpataw ng karagdagang buwis. Gayundin, baguhin ang panukalang excise tax na kung saan iminungkahi ni Senador JV Ejercito na pag-aralan muli ang pagbubuwis sa mga SSB.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with