^

Bansa

3 kampo ng BIFF nakubkob ng militar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng militar matapos na makubkob ang tatlo sa mga kuta ng target na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa patuloy na opensiba sa kagubatan ng Carmen sa Cotabato kamakalawa.

 Ayon kay Capt. Arvin Encinas, spokesman ng Army’s 6th Infantry Division (ID), ang naturang mga kampo ng BIFF ay magkakasunod na nakubkob ng tropang gobyerno.

 Bandang alas-9:15 naman ng umaga nang magkakasunod na makubkob ng mga sundalo ang dalawang kuta ng BIFF na may 12 kubo  na maaaring pagkasyahan ng 100 katao na may ilang metro lamang ang distansya sa Brgy. Tonganon, Carmen.

Nakumpiska sa lugar ang mga gamit sa kusina, grocery items, battery, mga gamot, mga damit, cellphone at iba pa .

Sumunod namang natisod ng tropang gobyerno ang isa pang BIFF camp bandang alas-2 ng hapon sa Brgy. Tonganon, Carmen ng lalawigang ito.

Ang operasyon, ayon kay Encinas ay bahagi ng opensibang iniutos ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero upang lipulin ang nalalabi pang BIFF   sa Central Mindanao dahilan sa serye ng paghahasik ng mga ito ng terorismo. Gayunman, bago pa man makalapit ang tropang gobyerno ay mabilis nang nagpulasan ang mga rebeldeng BIFF bitbit ang mga nalagas at sugatan nilang kasamahan.

Sinabi ni Encinas na ang nakubkob na kampo ng BIFF ay may tatlong tents na may canopy at 10 pang karagdagang improvised tents na pinaniniwalaang maaaring pagkasyahan ng mahigit 30 katao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with