^

Bansa

‘Independent body’ na susuri sa MRT, hirit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminumungkahi ng isang kongresista sa gobyerno na magtatag ng top level independent body na susuri sa kabuuan ng MRT operations. 

Sinabi ni House Committee on Metro Manila Development Chairman at Quezon City Rep. Winston Castelo na sakop ng nasabing independent body ang integridad ng sistema ng MRT 3 , kaligtasan at maintenance ng pasilidad.

 Gayundin ang performance ng mga opisyal at empleyado ng MRT para masiguro din ang kanilang efficiency.

 Iginiit pa ni Castelo na kailangang agapan ang sitwasyon sa MRT 3 para hindi na lumala pa at humantong sa mas malalang trahedya dahil sa tagal na umano ng kapalpakan sa ope­rasyon nito ay hindi na masasabing dulot lamang ito ng mahinang maintenance.

 Sigurado umanong resulta na ito ng criminal negligence, katiwalian at kawalan ng concern sa pasahero ng mga opisyal at empleyado ng MRT gayundin ng mga contractors at suppliers nito.

Paliwanag pa ng kongresista, ang ganitong problema ay hindi umano kayang lutasin ng band aid solution lamang kundi kaila­ngan nang lapatan ng sistematikong paraan para matapos ang sakit ng ulo sa MRT.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with