^

Bansa

TRO ipapakain ni Alvarez sa mga abogado ni Sereno

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
TRO ipapakain ni Alvarez  sa mga abogado ni Sereno

Sinabi ito ni Alvarez dahil sa plano ng mga abogado ni Sereno na magpetisyon sa SC para igiit ang karapatan niya na katawanin ng kanyang mga abogado sa impeachment hearing ng Kamara. Philstar.com/AJ Bolando, File

MANILA, Philippines — Nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga abogado ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na isasampal at ipapakain niya sa kanila kapag naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay ng impeachment ng Punong Mahistrado.

Sinabi ito ni Alvarez dahil sa plano ng mga abogado ni Sereno na magpetisyon sa SC para igiit ang karapatan niya na katawanin ng kanyang mga abogado sa impeachment hearing ng Kamara.

Kinuwestiyon din ng Speaker kung anong klase ang mga tagapagtanggol ni Sereno at mukhang mga hindi nagbabasa ng libro dahil hindi naiintindihan na hindi maaaring manghimasok ang Korte Suprema sa alinmang aspeto ng impeachment.

Ito’y dahil ang Kongreso lamang umano ang natatanging may hurisdiksyon sa proseso ng impeachment na salig sa Konstitusyon kayat iginiit ni Alvarez na dapat ang punong mahistrado ang humarap sa impeachment hearing kung talagang wala itong kasalanan.

Kung hindi umano ito gawin ng punong mahistrado, lalabas umano na mahina ang depensa nito at guilty sa mga alegasyon sa ilalim ng impeachment complaint.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with