^

Bansa

Digong ‘di naniniwalang nagnakaw ang mga sundalo sa Marawi

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong �di naniniwalang nagnakaw  ang mga sundalo sa Marawi

“Iyung mga imbestigasyon na nagnakaw daw sa Marawi, ‘di ako naniwala d’yan. Nandoon ako… ‘di ako naniniwala ang sundalo ko magnanakaw,” sabi ni Duterte. “Saan mo ilagay yan? Pag-uwi niyo puro kayo nakasakay sa trak.” Special Assistant to the President Bong Go, File

MANILA, Philippines — Hindi naniniwala si Pangulong Duterte sa mga alegasyon na ilan sa mga sundalo na nakipaglaban sa Maute-ISIS sa Marawi City ay nagnakaw sa gitna ng labanan.

Sa kanyang speech sa Army General Hospital sa Taguig City, sinabi ng Pangulo na “intriga” lamang ang mga bintang.

“Iyung mga imbestigasyon na nagnakaw daw sa Marawi, ‘di ako naniwala d’yan. Nandoon ako… ‘di ako naniniwala ang sundalo ko magnanakaw,” sabi ni Duterte. “Saan mo ilagay yan? Pag-uwi niyo puro kayo nakasakay sa trak.”

Aniya, normal lang na gamitin ng sundalo sa giyera ang mga abandonadong gamit pero hindi para nakawin ito.

Una nang sinabi ng militar na anim na sundalo ang iniimbestigahan dahil sa report ng nakawan sa Marawi City.

Sabi ni Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Group Ranao, na isang opisyal at 5 sundalo ng Philippine Army ang iniimbestigahan dahil umano sa nangyaring nakawan sa Marawi City, matapos magsilikas ang mga residente.

Nangyari umano ang looting sa unang linggo ng Marawi siege.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with