PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Roque sasakay daw ng MRT sa Katipunan station... na parte ng LRT2

Dating Kabayan party-list representative at ngayo'y presidential spokesperson Harry Roque. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines – Tila hindi talaga alam ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang train system sa bansa matapos niyang sabihin na isang beses kada linggo ay sasakay siya ng Metro Rail Transit 3 (MRT) upang malaman ang nararanasan ng mga pasahero nito.

"All I can offer you is I can offer once a week to take MRT coming to work," pahayag ni Roque sa press briefing sa Malacanang ngayong Martes.

"I can do that, so that I can complain personally to the MRT people. Maybe I'll do that, once a week, I'll do that," dagdag niya.

Sinabi ng taga-Quezon City na si Roque na dati na siyang sumasakay ng MRT kaya naman inaya niya ang mga mamamahayag na magkita sila sa Katipunan station papasok ng kaniyang trabaho sa Palasyo na nasa lungsod ng Maynila.

"Oo. Okay. We’ll see you at 9 o’clock Katipunan Station, okay? On Thursday," sabi niya sa mga mamamahayag at iginiit na parte ito ng MRT.

Malapit ang Malacañang Palace sa Legarda Station ng LRT2 kung saan parte rin ng pinakabagong rail transit ang Katipunan station.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“LRT-2 ba ‘yun? MRT,” patuloy ni Roque. “Eh saan naman tayo pupunta sa MRT? Wala naman tayong pupuntahan sa MRT papuntang Malacañang. Paano tayo makakarating sa press briefing natin kung tayo ‘yung mage-end-to-end? Ha? Oh my gosh.”

Nabanggit ni Roque ang pagsakay sa MRT kasunod ng sunud-sunod na aberya na inabot nito kabilang ang pagkalas ng isa sa mga bagon.

Madalas din ang pagkaantala ng operasyon ng MRT kung saan libu-libong pasahero ang naaapektuhan.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: