^

Bansa

Ilegal na operasyon ng FGASPAPI nabunyag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabunyag ang patuloy na pagsasagawa ng operas­yon at seminar ng Federation of Goat and  Sheep Producers and Association of the Philippines (FGASPAPI) kahit paso na ang rehistrasyon ng kanilang kompanya sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Sa record mula sa SEC, lumalabas na ang FGASPAPI na may SEC no. CN 200507986 ay matagal nang na-revoke ang company registration simula pa noong Enero 2013 dahilan sa pagkabigong isumite ang kanilang general information sheets at financial statement para sa taong 2006 hanggang 2010. Ang kautusan ng SEC ay ipinalabas noong Disyembre 12, 2012.

Sa katunayan, noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 1, 2016 ay nagsagawa ito ng seminar sa Goat Raising and Production for Business Owners sa La Majarica Hotel sa Tarlac City at ngayong araw, Nobyembre 21, hanggang Nobyembre 24 ay isasagawa naman ang National Goat and Sheep Congress sa Benguet  State University La Trinidad, Benguet na may registration fee na P5,000.

Lumalabas na may paglabag ang ginagawang ito ng FGASPAPI sa patuloy na operasyon at pagsasagawa ng seminar/trainings, partikular na sa mga lalawigan.

Samantala, inamin naman ng pamunuan ng FGASPAPI na paso na nga ang kanilang rehistrasyon sa SEC.

Paliwanag ni Jo Clemente, legal consultant ng kompanya, ito’y dahil naging abala lamang sila sa ibang aktibidad ng kompanya na naging prayoridad nila.

Gayunman, nilinaw ni Clemente na pinoproseso na nila sa ngayon ang muling pagpapatala ng kanilang korporasyon sa SEC.

Ang FGASPAPI ay isang korporasyon na nagpaparami ng mga kambing at tupa sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with