^

Bansa

2 todas, 3 sugatan sa pamamaril sa Quezon City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Todas ang dalawang lalaki habang sugatan ang tatlo pa, kabilang ang isang walong taong gulang na batang lalaki  sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang unang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw sa   Kasunduan St., Brgy. Commonwealth, Quezon City at naging biktima ay kinilalang Ronilo Eme­teryo, 31.

Si Ronilo ay nasawi sa pinangyarihan ng insidente  matapos na siya ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan sa lugar.

Tinamaan naman ng stray bullet na ngayon ay ginagamot sa East Avenue Medical Center sina Mark Emeteryo, 19; Ryan Christian Mallari, 19 at Nelbron Emeteryo, 8, grade III, na noon ay natutulog lamang sa loob ng kanilang tindahan. Sila ay  pawang residente ng nasabing lugar.

Ang ikalawang insi-dente ay naganap dakong alas-3:00 ng madaling araw sa tapat ng isang canteen sa Brgy. Batasan, Quezon City at ang na-ging biktima ay hindi pa nakikilala na tinatayang nasa edad 35-40, 5’4 ang taas, katamtaman ang pangangatawan na may tattoo ng ahas at mukha ng babae sa kanyang magkabilang braso.  

Limang basyo ng hindi pa matukoy na uri ng baril ang natagpuan ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa iligal na droga ang magkasunod na pamamaslang sa dalawang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with