^

Bansa

Peace talk sa CPP-NPA, useless-Ping

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senator Panfilo “Ping” Lacson, na wala nang saysay kung isusulong pa ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan o peace talks sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Lacson halos lahat na lamang ng nagdaang administrasyon ay nagsulong ng peace talks pero wala ring nangyari dahil hindi nagkakasundo sa mga hinihinging demands at halos imposible ring maisakatuparan ang hinihingi ng makakaliwang grupo.

“Useless kasi every administration nag-e-embark sa peace initiative di ba? Pero di magkakasundo because of the demands. Ang demands na binibigay ng CPP NPA NDF mostly halos impossible to be met,” sabi ni Lacson.

Inihalimbawa ni Lacson ang kahilingan noong panahon ni dating pangulong Benigno Aquino III kung saan nais ng CPP-NPA na manatili ang kanilang armadong grupo at italaga pa bilang mga forest guards.

Naniniwala si Lacson na inilutang ang nasabing kahilingan upang makontrol ng grupo ang mga kagubatan kung saan lalong mawawalan ng laban ang mga negosyo at industriya sa lugar na posibleng gamitin rin para magkaroon sila ng resources na panlaban sa gobyerno.

“So anong intention? ‘Pag naging NPA regulars, they will control all the forest lands. So lalong walang laban ang mga may negosyo at industries in those areas. And they will be able to amass resources na gagamitin din nila, after all, to fight government,” ani Lacson.

Isa si Lacson na sumusuporta sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang terorista ang grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with