^

Bansa

‘Persons of interest’ sa pagkalas ng bagon ng MRT-3, tukoy na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Persons of interest� sa pagkalas ng bagon ng MRT-3, tukoy na

Gayunman ay tumanggi muna si DOTr Udersecretary Cesar Chavez na ihayag ang mga pangalan ng mga natukoy nilang person of interest habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pamunuan ng  National Bureau of Investigation para mabatid ang motibo ng kanilang ginawa. File

MANILA, Philippines — Natukoy na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga persons of interest sa pagkalas ng bagon ng MRT-3 na naganap nitong Nobyembre 16.

Gayunman ay tumanggi muna si DOTr Udersecretary Cesar Chavez na ihayag ang mga pangalan ng mga natukoy nilang person of interest habang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pamunuan ng  National Bureau of Investigation para mabatid ang motibo ng kanilang ginawa.

Naniniwala si Chavez na ‘sabotahe’ at ‘human intervention’ ang naganap na pagkalas ng dalawang bagon na siyang dahilan kaya naglakad sa gitna ng riles ng tren ang may 140 pasahero ng MRT-3. 

Sa ngayon ay bumuo na ng special team ang NBI na pinamumunuan ni Atty. Joel Tovera na siyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon.

Tiniyak ni Chavez na ihahayag nila sa publiko sa lalong madaling panahon ang ano mang magiging resulta ng nasabing imbestigasyon.

Magugunita na kumalas ang bagon sa ikatlong tren habang ito ay bumibiyahe sa pagitan ng Ayala at Buendia station.

Wala namang naiulat na nasaktan sa naganap na insidente pero takot na takot ang mga naiwang sakay ng kumalas na bagon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with