^

Bansa

Santiago nakinabang sa droga - Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Santiago nakinabang sa droga - Palasyo

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Roque na base sa reklamo, tumanggap ng isang ma­laking mansion si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago mula sa pamilya-Parojinog noong siya pa ang tumatayong direktor ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA. File

Bahay, junket trips bigay ni Parojinog

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinibak sa puwesto si dating Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago dahil sa reklamong natanggap ng Malacañang tungkol sa pagtanggap ng mala­king bahay at mga junket trips sa ibang bansa mula sa napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na iniuugnay sa ilegal na droga.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Roque na base sa reklamo, tumanggap ng isang ma­laking mansion si Santiago mula sa pamilya-Parojinog noong siya pa ang tumatayong direktor ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA.

“We believe, our Chairman, General Santiago is a liability to administration previously as aired on TV5 Aksyon Sa Tanghali news by Mr. Gary de Leon last August 2017 reportedly said that he was a recipient of big Ozamiz mansion given by the Parojinog family during his tint as director of PDEA.”

“Now, take note that I’m only quoting from the complaint. Okay? So this is the complaint filed against General Santiago,” paglilinaw ni Roque.

Ibinulgar pa ni Roque na bukod sa mansion, nakinabang din umano si Santiago sa mga junket trips na pinondohan umano ng pamilya-Parojinog.

Binigyang-diin ni Ro­que na maliwanag naman ang mensahe ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hindi niya kukunsintihin ang mga junkets at mga hindi kinakailangang biyahe sa ibang bansa.

“It’s a very strong message to the bureaucracy, the President will not to­lerate junkets, unnecessary travels abroad,” ani Roque.

Nabatid na nagtungo umano si Santiago sa Vienna Austria at maging sa Amerika  kung saan dinala pa umano nito ang kanyang “mistress” at mga paboritong empleyado sa DDB.

“Okay. Travel to Vienna, Austria ‘no. The complaint was dated October 25, 2017. There was no mention of the date. And then, there was also mention of a trip to the United States indicating last month, meaning one month before October, a trip to the United States where he, allegedly bringing with him his mistress and selective favorite DDB employees,” ani Roque.

Matatandaan na mis­mong si Pangulong Duterte ang umamin na sinibak sa puwesto si Santiago dahil sa kanyang negatibong pahayag tungkol sa mala­king drug rehabilitation facility na itinayo sa Nueva Ecija. Dapat aniya ay sa kanya muna sinabi ni Santiago ang opinyon tungkol sa rehabilitasyon ng mga sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ni Santiago na sayang lamang ang nasabing pasilidad sa Nueva Ecija at dapat ay hindi inilalayo sa pamilya ang mga sumasailalim sa rehabilitasyon upang maging epektibo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with