^

Bansa

38 micro-entrepreneurs nabigyan ng puhunan ni Erap

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng kanyang programang mabigyan ng maliit na negosyo ang mga Manilenyo, namahagi si Manila Mayor Joseph Estrada ng pampuhunan sa 38 na maliliit na negos­yante na nagkakahalaga ng P380,000.

Ayon kay Estrada, ang dagdag na pondo ay makakatulong sa mga micro-entrepreneurs na palawakin pa ang kani-kanilang pinagkakakitaan, na siyang pokus ng kanyang Capital Assistance Program (CAP).

Ang bawat isa ay nakatanggap ng tig-P10,000 loan na kanilang babayaran sa loob ng anim hanggang 10 linggo na walang anumang interest o collateral.

Ang nasabing programa ay pinatutupad ng lokal na pamahalaan bilang suporta sa Republic Act 9178, o ang “Barangay Micro Business Enterprises Act of 2002” na naglalayong  palakasin ang mga Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) sa bansa.

Dalawampu’t isa sa mga benipisaryo ay mula sa District I; lima sa District II;  apat sa District III; apat sa District VI;  at apat pa sa Baseco. Hindi kasama ang mga taga-District IV at V dahil hindi pa nila nababayaran nang buo ang una nilang ni-loan.

Una nang nakapag-loan at nakapagbayad na ang 38 benipisaryo kaya nabigyan uli sila ng panibagong loan na P10,000, ayon kay Nanet Tanyag, hepe ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

Ang mga micro-entrepreneurs aniyang ito ay may sarili nang mga karinderya, barber shop, at sari-sari stores; ang ilan ay may ma­nicure-pedicure businesses, nagtitinda ng isda at prutas, ukay-ukay, at iba pa, ayon pa sa hepe ng MDSW chief.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with