^

Bansa

MRT ‘wag buwagin-LCSP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang buwagin pa ang operasyon ng MRT kung ito ay nakakaranas ng mga aberya.

Ito ayon kay Atty Ariel Inton, founding chairman ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ay kailangan munang imbestigahang mabuti kung ano ang sanhi ng a­berya para masolusyonan.

Kung matitigil aniya ang operasyon ng MRT, maraming mamamayan ang maaapektuhan dahil araw-araw ang mga itong sumasakay sa MRT sa pagtungo sa kanilang trabaho at mga destinasyon.

“Hindi pabor ang LCSP sa pagpapahinto ng operasyon ng MRT sa kabila ng aberya dahil sa walang viable option para sa may 500,000 pasahero nito araw-araw. Pag nahinto ang MRT ay walang option ang mga mananakay, hindi kaya ma-accomodate ng mga bus, bagamat nakikipagsapalaran na ang mga tao, pawang pagtitiis na lang ang option ng mga MRT commuters, maigi na sa kaysa wala,” pahayag ni Inton.

Iginiit din ng LCSP na ibalik ang pasahe ng mga pasahero na nakasakay sa nagkaaberyang tren.

Binigyang diin din ni Inton na hindi sagot ang paghinto sa operasyon ng MRT dahil sa pagkakaroon nito ng aberya kundi ang kailangan ay mabawasan ang ugat ng problema.

Hindi rin naniniwala ang LCSP sa pahayag ng DOTr na may sumasabotahe sa operasyon ng MRT. Maaga pa aniya na magpahayag ng ganito ang DOTr bagkus ay kailangan munang mabusisi ang problema bago ang ahensiya na magsabing may nananabotahe sa operasyon ng MRT.

Nabatid naman sa DOTr na tuloy ang biyahe ng MRT at hindi nila ititigil ang operasyon nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with