^

Bansa

Biyaya ibahagi sa mahihirap-CBCP

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibahagi ang biyaya sa mahihirap. Ang pagtulong sa mahihirap ay pagtupad sa utos ng Panginoon.

Ito ang naging pahayag ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos sa pagdiriwang ng World Day of the Poor.

Ayon kay Bishop Santos, tungkulin ng bawat mananampalataya na ibahagi sa kapwa ang natatanggap na grasya mula sa Panginoon sapagkat ang anumang tulong na ibinigay sa iba ay babalik nang doble, siksik at higit pa.

Aniya, ginagawa ng diyosesis upang kahit sa maliliit na pamamaraan ay matulungan ang mga nangangailangan lalo na ang mga matatanda, may sakit at mga inabandona.

Samantala,  hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na bigyan ng kalinga ang kapwa lalu na ang mga dukha.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity kaugnay na rin sa pagdiriwang ng buong simbahan ng World Day of the Poor.

Una na ring idineklara ni Pope Francis ang taunang pagdiriwang ng Year of the Poor, ito ay itinakda araw ng Linggo bago ang kapistahan ng Christ the King. 

Paliwanag ng obispo ang pagkalinga sa mga dukha ay pagbibigay ng pansin na sila rin ay bahagi ng simbahan, hindi lamang sa panalangin kundi ang pakikiramay sa kanilang abang kalagayan.

Sa pag-aaral na isinagawa ng Asian Development Bank (ADB) noong 2015, 21.6 porsiyento ng kabuuang 103 milyong populasyon ng Pilipinas ang nakapailalim sa National Poverty Line.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with