^

Bansa

BJMP director pinaiimbestigahan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ng isang grupo ng mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang jail director dito dahil sa umano’y ilang iregularidad at anomalya na kinasasangkutan nito.

Sa isang pahinang liham na ipinadala kay DILG officer-in-charge Catalino Cuy na may petsang Nobyembre 17, ng Concerned Employees ng BJMP, sinabi nila na si jail director Deogracias Tapayan ay hindi umano kwalipikado na maging pinuno ng BJMP dahil sa umano’y kawalan ng sapat na kwalipikasyon.

Nakasaad din sa liham na dapat imbestigahan si Tapayan dahil sa umano’y sinasabing pagkakasangkot nito sa anomalya sa Prisoners Subsistence Allowance (PSA) noong kanyang termino bilang BJMP Region 7 Director.

Ayon sa Concerned BJMP personnel na ang provincial government ay mayroon umanong counterpart budget para sa daily food expenses ng mga preso sa nasabing rehiyon.

Bukod dito, mayroon din umanong kasong criminal si Tapayan na naka-archived sa Manila Regional Trial Court.

Sinabi pa nila na ang kampanya ng jail official sa anti-drug campaign sa loob ng kulungan ay bigo dahil sa napakaraming kontrabando na nakukumpiska sa isinasagawang BJMP’s Operation: Greyhound.

Ang reklamo laban kay Tapayan ay umabot na umano sa Malacañang at Office of the Ombudsman at umaasa na ang Pangulo ay aaksyon sa kanilang hinaing upang maipatupad ang transparency at professionalism hindi lamang sa BJMP maging sa lahat ng government agencies.

Tinangka naman kunin ang pahayag ni Sr. Insp Xavier Zolda, spokesman ng BJMP subalit nasa ibang bansa umano ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with