^

Bansa

‘Constitutional crisis’ posible - Umali

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Pag ‘di sumipot si Sereno sa impeachment hearing

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng “constitutional crisis” kapag hindi sumipot si Supreme Chief (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagdinig ng House Committee on Justice sa kanyang impeachment case sa Miyerkules.

Ito ang babala ni Committee on Justice Chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, kaya umaasa siya na makikinig ang Hudikatura sa dahilan na ang Kamara ang may hurisdiksyon sa paghawak ng impeachment cases na salig din sa saligang batas.

Paliwanag pa ni Uma­li na iba ang proseso sa Kongreso lalo na sa impeachment kung saan kailangan ng personal na presensya sa ilalim ng rules dahil ang mga abogado ay hindi maaaring magsalita o magrepresent para sa isang impeachable official.

Idinagdag pa ng kongresista na ang right to counsel ay nangyayari lamang sa actual trial at sa ngayon ay wala pa umano sila sa trial kaya hindi pa maaaring gamitin ang argumento na rights to counsel.

Kaya payo niya kay Sereno mas mabuting dumalo sa imbitasyon ng komite sa Nobyembre 22 at harapin ang panel para masagot niya ang mga ihaharap na ebidensiya o idedetermina na nila kung may probable cause kahit wala ang kanyang depensa.

Ang hindi niya pagdalo ay nangangahulugan ng waiver of right niya para komprontahin ang mga testigong ihaharap at mag-aakusa laban sa kanya.

Nagbanta rin si Uma­li na kung may plano si Sereno na magpasaklolo sa Korte Suprema ay posibleng magresulta ito ng constitutional crisis dahil sa may umiiral na separation of powers sa pagitan ng Judiciary at Legislative branch of government.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with