^

Bansa

Emergency powers kay Duterte

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Panahon na upang ibigay kay Pangulong Duterte ang matagal na nitong hinihinging Emergency Powers.

Ito ang giniit ni Communications Secretary Martin Andanar upang aniya ay mabigyang solusyon na ang inaasahang matin­ding problema sa trapiko sa panahon ng kapaskuhan.

Sa ilalim ng Senate Bill 11 o ang Transportation Crisis Act of 2016, mabibigyan ang Pangulo ng kapangyarihan na maisaayos ang Department of Transportation at mga nasa ilalim ng ahensya nito.

Kabilang sa mga natu­rang ahensya ay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Umaasa rin ang opisyal na maipapasa na ang panukalang batas sa huling bahagi ng Nobyembre.

“Alam naman natin na Christmas is coming. May mga sale sa mall. Bawat Christmas season talaga lalo na ‘yung mga November, December, papasok na ‘yung Disyembre. Tatanggap na ng mga 13th month pay, bonus. So, mag-sa-shopping na talaga ‘yan eh kasi ang Pilipino talagang isa sa mga pinakamalaking piyesta ng Pilipino ay Pasko,” paliwanag pa ni Andanar.

Gayunpaman, tiwa­la si Andanar na kahit hindi maipasa agad ang panukalang batas ay magagam­panan pa rin ng mga tauhan ng mga natu­rang ahensya ang kanilang trabaho.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with