^

Bansa

Gusot ng mga tindero at DV Boer Farm, naayos na

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natapos na rin ang gusot sa pagitan ng may-ari ng isang farm at mga nagrereklamong tindero ng karneng baboy sa ba­yan ng Lian, Batangas.

Ito’y matapos magkasundo ang mga tindero na iurong ang kanilang petisyon laban sa DV Boer Farm na pinamumunuan ni Dexter Villamin.

Una nang hiniling ng mga tindero kay Lian Mayor Isagani Bolompo na ipasara ang talipapang pinanga­ngasiwaan ng DV Boer Farm sa Barangay Prenza dahil sa pagbebenta ng karneng baboy sa mas murang halaga.

Sa kanilang liham sa alkalde, inireklamo ng mga tindero na lubhang mababa ang pres­yo ng karneng baboy sa talipapa kaya nakakaapekto ng malaki sa kanilang pagtitinda.

Subalit sa kanilang paghaharap sa tanggapan ng alkalde, ipinaliwanag ni Villamin, president at CEO ng DV Boer Farm na kaya mas mababa ang pres­yo ng karne ay dahil ang mga nag-aalaga ng kanilang baboy ay ang kanyang mga kapitbahay lamang.

Maliban sa mga trabahador, tinutulungan din ng DV Boer ang komunidad sa pama­magitan ng pagbibigay ng puhunan sa mga tao sa tulong ng DV Boer Micro Finance para mabigyan din sila ng hanapbuhay.

Nangangamba si Villamin na mahigit sa 200 trabahador ng farm ang mawawalan ng hanap­buhay sakaling tuluyang ipatigil ang pagbebenta ng mas murang karne sa kanilang talipapa.

“Pinahihiram namin sila ng kapital, wala pong collateral at wala po ka­ming hinihinging interest. Ang sa amin lang ay kapag iha-harvest na ang kanilang baboy, ititinda naman namin sa talipapa sa murang halaga pa,” dagdag ni Villamin.

Kasabay nito, inalok ng tulong ni Villamin ang mga nagrereklamong tindero na maaari rin silang mag-alaga ng baboy para madagdagan din ang kanilang kita.

Naging maayos naman ang pagpupulong ni Villamin at mga tindero kasama ang alkalde kung saan nila napagkasunduan na magtulungan na lamang para sa ikabubuti ng lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with