^

Bansa

PPP bill magpapalago ng ekonomiya

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabibilisin ng ilang malalaking pondong alok para sa dambuhalang mga proyektong imprastraktura sa ilalim ng Public-Private Partnership, na lalong magpapabilis sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa, ang pagtibay ng Kongreso sa panukalang PPP Rationalization Act (House Bill 788) na nakahain na ngayon sa Kamera.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na siyang may-akda ng HB 788, nag-alok kamakailan ang Filinvest-RLC-JG Summit Holdings consortium na gagawin at popondohan nito ang P839 bilyong Clark International Airport habang ang San Miguel Corporation-RSA ay gagawin naman ang panukalang Bulacan Airport na nagkakahalaga ng P700-bilyon, kapwa sa ilalim ng PPP.

Pinangunahan din ni Salceda ang Congressional technical working group na lalong pinahusay ang balangkas ng PPP bill na nagtatalaga ng higit na malinaw at simpleng mga alituntunin para sa mga ‘unsolicited proposals,’ at bigyan ng pagkakataon ang iba kung walang mangyari dito pagkalipas ng isang taon.

Ang bagong alok ng Filinvest-RLC-JG Summit Holdings ay 400% malaki kaysa sa dating hain nito para sa Clark International Airport, at naisumite na ito kamakailan sa Bases Conversion and Development Authority at sa Department of Transportation. Kasama sa bago at pinalaking alok ang pangangasiwa at pangangalaga sa mga ‘commercial assets’ ng paliparan.

Ang San Miguel Corporation-RSA naman ay nakuha na ang nais nitong ‘original proponent status’ para sa P700-bilyong Bulacan Airport project.

Binigyang diin ni Salceda na ang naturang malalaking alok at iba pang inaasahang susunod pa ay pahiwatig lamang ng lumalakas na tiwala ng pribadong sektor sa programang PPP at Build, Build, Build ng pamahalaan.

Sa ilalim ng lalong pinahusay na balangkas ng PPP, inaasahang aabot sa P6.3 trilyon ang halaga ng mga proyektong gagawin hanggang 2022 na lalong magpapalong sa ekonomiya at antas ng buhay sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with