^

Bansa

LRT-1 mas maganda ang serbisyo sa MRT-3 - DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-1 mas maganda ang serbisyo sa MRT-3 - DOTr

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Rails Cesar Chavez, isa sa mga dahilan kung bakit mas maganda ang serbisyo ng LRT-1 ay ang ‘institutional memory’ nito, bukod pa sa paggabay at tulong ng LRT Authority Board. Bicol Standard, File

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bagamat mas matanda ay mas maganda naman ang serbisyo ng LRT-1 kumpara sa MRT-3.

Sinabi ni DOTr Undersecretary for Rails Cesar Chavez, isa sa mga dahilan kung bakit mas maganda ang serbisyo ng LRT-1 ay ang ‘institutional memory’ nito, bukod pa sa paggabay at tulong ng LRT Authority Board.

Ayon kay Chavez, ang board ay may cabinet members, na nagsisilbing kinatawan nito na siyang gumagabay at nagre-reb­yu ng performance ng management officials ng LRT-1.

Aniya, kaagad na pinapanagot ng board ang mga opisyal ng LRT-1 sa mga maling aksyon o di kaya’y kawalan ng aksyon ng mga ito kapag nagkakaroon ng aberya.

Nabatid na si Atty. Hernando Cabrera ang siyang spokesman ng LRTA at siya ring nagsisilbing kalihim ng board.

Kamakailan ay kinansela ng DOTr ang maintenance contract ng Busan Universal Rails Inc. (BURI) sa MRT-3 dahil sa pagkabigo nitong masolusyunan ang problema sa araw-araw na pagkakaaberya ng mga tren nito.

Ang DOTr ang pansamantalang namamahala ngayon sa operasyon habang wala pa silang nakukuhang bagong maintenance provider, ngunit patuloy pa ring nagkakaaberya ang mga tren, pinakahuli ay ang pagkakalas ng hulihang bagon habang nasa biyahe.  

Walang nasugatan o nasaktan sa naturang insidente na ngayon ay kasalukuyan ng iniimbestigahan para mabatid kung sabotahe ang dahilan ng huling aberya.

Ang MRT-3, na bumi­biyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Ave­nue (EDSA) mula North Avenue, Quezon City hang­gang Taft Avenue, Pasay City, ay pinasina­yaan noong taong 2000.

Ang LRT-1 na siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran, Parañaque City, ay nagsimula namang bumiyahe noong 1984.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with